BAGUIO CITY –Binalaan ni Mayor Benjamin Magalong ang mga magpiprisinta ng pekeng medical documents para langmakapagpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Reaksyon ito ni Magalong matapos matuklasan ang 100 na pekeng medical certificate sa mga nakahanay sa A3 priority group o persons with comorbidities na binakunahan sa isang vaccination site nitong Hulyo 25.

Karamihananiya sa mga dokumentong nabisto ay gawa sa bond paper at hindi sa doctor's stationery na madalas ginagamit ng mga doktor.

Nabisto aniya ang mga ito dahil hindi nila alam ang pagkakakilanlan ng mga doktor na nagbigay sa kanilang ng medical certificate.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

“Alam ko na marami ng gustong magpabakuna para sa proteksyon laban sa virus. Lahat po dito sa ating siyudad ay target kong mabakunahan, kaya hintayin lamang po na dumagsa ang ating vaccine sa mga susunod na buwan at huwag gumawa ng iligal na pamamaraan,” pahayag ni Magalong.

Idinagdag pa nito na ang pamemeke ng dokumento ay mapaparusahan sa ilalim ng Article 172 (Falsification by private individuals and use of falsified documents), Article 174 (False Medical Certificates, false certification of merits or service, etc.), at Article 175 o ang Use of false certificates".

Zaldy Comanda