Puspusan na ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng personal ang sinserong ginagawang hakbang ni Moreno at Lacuna upang hindi na kumalat pa ang Delta variant sa mga residente sa lungsod.

Sinabi ni Bagatsing na lahat ng precautionary measure ay ginagawa nina Moreno at Lacuna, bago pa lang ang pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.

“The anticipated actions of Yorme Isko and Honey Lacuna will ensure that Manila is prepared to slow the spread of the covid delta variant. The Luneta field hospital, the free drive thru covid testing, and having vaccinated almost a million Manileños will keep the delta variant from spreading faster than expected,” pahayag ni Bagatsing

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, madaming nagtaka kung bakit pa nagtayo ng field hospital sa Luneta noong nakalipas na buwan noong panahon na bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 ngunit ngayon ay nakita na ang pangangailan hinggil dito.

“Maraming nagtaka, pero ngayon kailangan na ito, para hindi magkulang ng kama kung sakaling dumami ang kaso,” dagdag pa ni Bagatsing.

Aminado siya na masakit ang lockdown para sa sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala ng COVID-19 sa pasko.

Nanawagan rin si Bagatsing sa ibang private sector na may kaya sa buhay na tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

Matatandaan na isa si Bagatsing sa mga tumulong sa panahon ng pandemya at ipinagamit ang kanyang mga dormitoryo sa Maynila bilang pansamantalang tirahan ng mga medical frontliners.

Tiniyak naman niya na, “Handa akong tumulong ulit. Dapat isang bangka tayo, it is the only way can overcome this delta variant storm.”

Mary Ann Santiago