Posibleng sa Agosto 3 na ang dating sa bansa ng Moderna vaccines na donasyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Inihayag ng Malacañang na personal naman na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng nabanggit na bakuna.

Inaasahan na ang pagdating ng bakuna sa bansa matapos tiyakin ng Estados Unidos, kamakailan.

Nitong Huwebes, bumisita sa Malacañang si U.S. Defense Secretary lloyd Austin at nakipagpulong ito sa Pangulo.

Laman ng puso ni Sen. Go, 'tatak Duterte!'

Sa naturang pulong, tiniyak ni Austin sa Pangulo na nakatakda na ang pagdating sa bansa ng donasyong bakuna na gagamitin ng gobyerno upang mapadali ang isinasagawang vaccination program ng gobyerno.

Tinalakay din sa pulong ang usaping may kinalaman saVisiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Beth Camia