Nananatiling matatag ang alyansang militar ng Pilipinas sa Amerika matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang pahayag upang ibasura angvisiting force agreement(VFA), huling taon bago ito bumaba sa Malacañang.

Larawan mula sa official website ng US Embassy-Manila

Sa paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagdesisyon ang pangulo na panatilihin ang VFA matapos masiguro ang katapatan ng Amerika na kilalanin ang Pilipinas bilang “sovereign equal”. Kalakip din sa ilang rason ang panata ng US na muling pagtibayin ang obligasyon nito sa ilalim ng 1951Mutual Defense Treaty.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“PRRD’s decision to recall the abrogation of VFA is based on upholding PH strategic core interests, the clear definition of PH-US alliance as one between sovereign equals, and clarity of US position on its obligations and commitments under MDT,”pahayag ni Roque nitong Biyernes, Hulyo 30.

Sa ilalim ng MDT, ang Pilipinas at Amerika ay nagkasundo na ipagtanggol ang isa’tisa kung sakaling may maganap na atake sa rehiyon ng Pacific.

Matatandaang duda ang Pangulo sa katapatan ng na ipagtanggol Amerika ang Pilipinas sa gitna ng territorial dispute laban sa China. Sa ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, nabanggit nito na kadalasan ay hindi nanghihimasok ang US pagdating sa mga hangganan ng bansa.

Samantala, ang desisyon ng Pangulo sa pagpapanatili sa VFA ay naganap matapos ang “open and frank” na pagpupulong kasama si US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Malacañang nitong Huwebes, Hulyo 29. Napagkasunduan ni Duterte at Austin ang pagpatitibay ng relasyon ng dalawang bansa upang resolbahin ang pandemya, iligal na droga at iba pang transnational na krimen.

Sa mga naunang ulat, binasura ng Pangulo ang VFA matapos ang pagtatasa nitong hindi makatarungan ang mga nilalamang probisyon para sa interes ng bansa. Gayunpaman, higit isang taon ring nakabinbin ang disolusyon dahil sa pandemya at iba pang pandaigdigang pagbabago.

Sa kabila ng muling pagkilala ngMalacañang saVFA, nananatiling bukas ang Pilipinas sa pagbuo ng alyansang panseguridad sa iba pang bansa.

Genalyn Kabiling