Nakapiit ngayon ang Chinese-Canadian pop star at dating miyembro ng Kpop boy band EXO na Kris Wu dahil sa mga alegasyong rape.

Inanunsyo ng Chaoyang branch, Beijing police ang pagkakakulong ni Kris nitong gabi ng Hulyo 31, sa Chinese microblogging site na Weibo.

“According to the online report that ‘Wu Yifan [Kris Wu] repeatedly deceived young women to have sex’ and other related circumstances, Wu (male, 30 years old, Canadian national) is suspected of rape after police investigation, and has been detained by Public Security Bureau at Chaoyang district in accordance with the law, and the investigation work is being further carried out,” pagdedetalye ng Chaoyang district police sa post nito sa Weibo at ayon na rin sa pahayagang Global Times.

Kasalukuyang may 10.8 million likes ang naturang post, reposted nang higit 762,000 beses at may 310,000 na comments. Naging No.1 trending topic din ito sa Weibo na may mahigit 1.39 billion reads.

Events

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican

Nitong Hunyo lang nang maharap sa matinding kritisismo si Wu matapos ang alegasyon ng Chinese influencer na si Du Meizhu kung saan sangkot diumano ang pop star sa pang-aakit ng ilang kababaihan kabilang ang menor de edad upang yayaing makipagtalik sa kanya. Dahil sa naturang eskandalo ay nawalan ng ilang malalaking endorsement si Wu.

"He would come up with the same excuses – selecting female leads for MVs [music videos] or signing them to become an artist under his label – to manipulate them to come out. After a while, they would no longer discuss about work, and the girls would be ushered to his drinking parties, forcing them to get drunk, and then sexual intercourse happens,”pahayag ni Meizhu, ayon na rin sa Hype Malaysia.

Dagdag pa nito,“This is considered fraudulent behaviour because people lose consciousness after they are intoxicated. I was deceived by him (Wu) and got drunk. Following that, he said that he’ll be responsible and will always be with me. And then this is what’s happening right now. He pretended not to know me and acted like I’m a stranger; accusing me of trying to gain clout out of nowhere.”

Naglabas ng pahayag ang kapatid na babae ni Du Meizhu nitong Sabado ng gabi; nanindigan itong makakamit ng kanilang panig ang hustisya.

Pagdidiin nito,“only after having experienced hellish torture can we have the power to conquer heaven. Our efforts are not in vain. All the injustices we suffer will turn into motivation. Thank you,”dagdag ng Global Times.

Sa inisyal na imbestigasyon sa relasyon ni Kris Wu at Du Meizhu, binahagi ng Beijing police’s Chaoyang branch noong Hulyo 22, na ika-10 ng gabi noong Disyembre 5, 2020, inanyayahan ni Feng, noo’y acting manager ni Wu, si Du Meizhu, 18, sa bahay ni Wu para sa audition ng female lead sa music video ng pop star.

‘Di umano’y party, hindi audition, ang nadatnan ni DuMeizhukung saan higit sampung tao ang naglaro ng board games habang umiinom noong gabing iyon. Ika-7 ng umaga kinabukasan, nag-alisan na raw unti-unti ang mga guests ni Wu. Matapos uminom, nanatili raw sa bahay ni Wu si Du Meizhu kung saan nauwi umanoiyonsa kanilang pagtatalik.

Hapon na umalis si DuMeizhusa bahay ni Wu matapos ito kumain ngunit nagpatuloy ang ugnayan ng dalawa sa WeChat app.

“On Dec. 8, Wu transferred 32,000 RMB [about $4,944] to Du Meizhu for online shopping. They maintained contact on WeChat until April 2021,”ayon sa ulat.

Nitong nakaraang Hunyo, napag-usapan ni Du Meizhu at ng kaibigan nito na si Liu, 19, na isapubliko ang relasyon nila ni Wu upang mas mapalakas ang kasikatan nito sa internet.

Noong Hunyo 2, naglabas ng blog post si Liu tungkol sa pang-aabuso ni Wu kay DuMeizhu, ayon sa Twitter account na Weibo Trending.Nagsapublikong online posts si DuMeizhumula Hulyo 8 hanggang Hulyo 11 ngunit Hulyo 13 na nang may unang lumapit kay Du Meizhu sa katauhan ni Xu, writer na may sarili ring interes. Napagkasunduan ng magkaibigan na magsusulat si Xu ng sampung Weibo posts, kung saan nagsimulang i-publish ni Du Meizhu sa Weibo noong ika-16 ng Hulyo.

Kalaunan ay may naaresto ang Beijing Police dahil sa tangkang pananamantala nito kay Wu at Du Meizhu.

Noong Hulyo 14, nakatanggap ng ulat ang Chaoyang police mula sa ina ni Wu na nagsasabing bina-blackmail ito ni Du Meizhu. Sa pag-iimbestiga ng pulisya, arestado ang isang Liu, 23, sa Nantong City, Jiangsu Province noong Hulyo 18.

Base sa imbestigasyon, nakita raw ng salarin ang hype sa internet tungkol kay Du Meizhu kaya’t nagpanggap siyang sangkot sa isyu para pagsamantalahan ang dalawang panig.

Sa puntong iyon, nagtago sa likod ng fictitious female identity si Liu at matagumpay na nakuha ang loob ni Du Meizhu sa pagpapanggap nitong isa rin siyang biktima ni Wu. Ginamit ni Liu ang nickname na “DDX” sa WeChat para makipag-ugnayan kay Du Meizhu and makakuha ng impormasyon sa kanya at sa kanila ni Wu.

Noong Hulyo 10, ginamit ni Liu ang nakuhang impormasyon para makipag-ugnayan sa lawyer ni Wu, sa pagpapanggap pa ring siya si Du Meizhu. Hiniling ng salarin ang 3 million RMB (o nasa $463,000) bilang kabayaran sa anumang areglong magaganap sa pagitan ng dalawang panig.

Nagpadala ng bank account ni DuMeizhuat bank account ng salarin mismo sa abogado ni Wu. Ginamit ni Liu ang WeChat account na “Beijing Fanshi Culture Media” upang magpanggap na abogado ni Wu. Doon ay sinubukan nitong makipag-negosasyon kay DuMeizhupara tanggapin na an settlement na 3 million RMB ang kabayaran, ngunit hindi rin nagkasundo ang dalawang panig.

NoongHuly11, nagpadala ang ina ni Wu ng 500,000 RMB (higit $77,000) kay DuMeizhusa dalawang transaksyon. Hindi ito nakuha ni Liu kaya’t patuloy pa rin itong nagpanggap na si DuMeizhuat tinangka pang hilingin ang natitirang 2.5 million RMB ($386,000) sa abogado ni Wu.

Kalaunan, nagpanggap na bilang abogado ni Wu ang salarin para hilingin kay DuMeizhuna aregluhin na ang sitwasyon, o kung hindi ay babawiin nito ang naunang 500,000 RMB na natanggap mula sa ina ni Wu. Matapos sumang-ayon ni Du Meizhu, nagpanggap muli si Liu bilang abogado ni Wu.Binigayng salarin ang Alipay account nito kay DuMeizhuat matagumpay na nakuha ang halagang 180,000 (higit $27,800).

Matapos maaresto ni Liu, umamin ito sa krimen at panloloko. Ayon sa Beijing police, kasalukuyang nakakulong si Liu sa Chaoyang branch.

Nauna nangtinanggini Kris Wu ang mga paratang. Sa Weibo post noong Hulyo 19 kung saan ibinahagi ng pop star ang dahilan ng kanyang pananahimik para hindi namakaabalasa ligal na paglilitis, subalit sa tingin din nito’y ang katahimikan niya ay lalo lang magbibigay ng oportunidad sa mga rumormongers".

Nilinaw din ni Wu ang isang beses nilang pagkikita ni DuMeizhusa isang “friendly gathering”.

“I have only seen Ms. Du once during a friendly gathering on December 5. 2020. Nobody was plied with alcohol, no phones were taken away, and absolutely none of those ‘details’ she described took place. Many people were present at the gathering that day, they can all testify to this!”pagdedetalyeng pop star, ayon sa Weibo Trending.

Dagdag ni Wu, “I’m so sorry for disturbing everyone. Iamstating that l have never ‘picked concubines’! Never ‘seduced and raped’ or ‘drugged and raped’! There were no ‘underage [girls]’! If I behaved like this, everyone please rest assured I would put myself in jail!! I take legal responsibility for everything I just said!!”

Jonathan Hicap