Bukas ang Commission on Elections (Comelec) sa mga rekomendasyon ng ilang eksperto mula Israel sa maaring bagong pamamaraan para ganapin ang eleksyon 2020 sa gitna pa rin ng banta ng coronavirus disease (Covid-19).
“At this stage, all suggestions will be considered,”pahayag ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez.
Ayon sa isang Israeli expert na bumisita kamakailan sa Pilipinas, maaari pa ring ganapin ang halalan sa gitna ng pandemya, pagmamalaki nito sa karanasan ng Israel na naitaguyod ang eleksyon noong Marso 2020.
“I am very proud to say that we did not see any increase in new cases due to the election day, and at the same time we as a country enabled all our citizens to participate in the democratic process,”sabi ni Chalm Markos Rafalowski,Disaster Management Coordinatorng Magen David Adom sa ginanap na press briefing nitong Biyernes, Hulyo 30.
Sa detalye ni Rafalowski, nakapagpatayo ang Israel ng mga voting areas sa mga ospital at tagumpay na nailunsad ang sistema upang maabot maging ang mga sumasailalim sa home quarantine.
“There might, however, be legal impediments to holding elections away from designated voting centers, but again, no ideas are off the table for now,”dagdag ni Jimenez.
Analou De Vera