Patuloy na isinusulong ng liderato ng Kamara ang pagpapatibay sa panukalang Bayanihan to Arise as One o Bayanihan 3 na popondohan ng ₱ 419 bilyon para gamitin sa pagbabangon sa ekonomiya ng bansa na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 ng pandemic.
Binanggit nina Speaker Lord Allan Velasco at Tax Committee chairman Rep. Joey Salceda ang pagkakaroon ng panibagong round ng cash assistance o ayuda na maaapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipapatupad sa Agosto 6 hanggang 20 sa National Capital Region (NCR).
“The imposition of ECQ in Metro Manila due to the threat of the Delta variant brings to light the urgency of Bayanihan 3 and we appeal to our counterparts in the Senate to pass this measure and to our economic managers to secure funding for this bill,” ayon sa mambabatas
Aniya, maglalaan ang panukala ng may P30 bilyon para sa bagong distribusyon ng ayuda o cash aid at nag matitirangpondo ay gagamitin sa mga hakbangin upang makabangon ang lupaypay na ekonomiya ng bansa.
Sa panig ni Salceda, pinakapraktikal aniya ito na opsiyon ng gobyerno dahil ang Bayanihan 2 ay napaso o nag-expire na, at ang Pangulo ay walang unilateral power na magre-realign ng mga item mula sa national budget.
Bert de Guzman