Atake sa puso ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ng inmate at convicted druglord na si Vicente Sy nitong Huwebes ng gabi.

Dakong 11:00 ng gabi nitong Hulyo 27 nang isugod sa Philippine Marine Naval Hospital dahil hirap sa paghinga si Sy na nakakulong sa Philippine Marine Corps Bureau of Corrections (BuCor) extension

facility, sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon sa report, binigyan siya ng emergency treatment at kinabitan ng oxygen (O2 inhalation) na ibinalik din sa kanyang selda matapos resetahan ng iinuming gamot.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kamakalawa, Hulyo 29, pinuntahan ng mga doktor mula sa New Bilibid Prison (NBP) si Sy na nakitaan ng sintomas ng stroke o Cerebrovascular accident (CVA).

Bukod dito, dumanas din umano si Sy ng panginginig habang nasa Fort Bonifacio at na-revived.

Mula naman sa Philippine Marine Corps facility, sa ganap na 5:00 ng hapon ng Hulyo 29 ay dinala naman siya sa NBP Hospital sa Muntinlupa para sa gamutan at paghahanda upang bigyan na ng outside referral

patungo sana sa Ospital ng Muntinlupa.

Habang naghihintay sa mababakanteng slot para sa admission sa OsMun nang makaranas siya ng panibagong cardiac arrest at tuluyang bawian ng buhay ng 8:00 ng gabi nitong Huwebes.

Sinabi naman ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag, na sasailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Sy bilang bahagi sa regular procedures.

Si Sy ay isa sa naging testigo ng pamahalaan laban kay Senator Leila De Lima sa kasong iligal na droga.

Ikalawang testigo laban kay Sen. De Lima si Sy na pumanaw sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan unang namatay noong Hulyo 2020 ang saksi na si convicted druglord Jaybee Sebastian.