Tiniyak ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na minamadali na ang pagbibigay ng reward na ipinangako kay Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz.
Ito ay tugon ni ARTA Director-General Jeremiah Belgica sa mga ulat na maraming negosyo ang nangako ng pabuya kay Diaz dahil sa pagkakapanalo nito sa weightlifting sa Tokyo 2020 Olympics nitong Hulyo 26.
Kahit huli na, binati pa rin ni Belgica si Diaz sa kanyang pagkakapanalong unang gold medal mula nang sumali ang Pilipinas sa Olimpiyada.“Bilib kami sa kanyang kasipagan at pagpupursigi," aniya.
Sa kabuuang, makatatanggap si Diaz ng aabot sa P40 milyong insentibo mula sa gobyerno at privatesector. Nitong Miyerkules, nangako rin si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan pa niya ng karadagangP3 milyon si Diaz.
Sa ilalim ng Tax Code ng Pilipinas, hindi na kakaltasanng buwis ang matatanggap na premyo ng mga nanalo sa Olympics games.
Gayunman, kakaltasan ng anim na porsiyentoang premyong ibibigay ng mga pribadong sektor kay Diaz.“Sisiguraduhin namin sa [ARTA] na mabilis namapo-prosesoito ng mga kinauukulan.Naniniwala kaming nararapat lang ito para sa karangalang ibinigay niya sa Pilipinas," sabi pa ni Belgica.
Argyll Cyrus Geducos