Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) chief, General Guillermo Eleazar angNational Capital Region Police Office (NCRPO) na umpisahan na ang paghahanda para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na alituntunin sa ilalim ngEnhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Reaksyon ito ng heneral sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ngInter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID)na isailalim muna sa ECQ ag National Capital Region (NCR) uang maging epektibo ang paglaban ng gobyerno sa paglaganap ng Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19).
“The decision of President Rodrigo Roa Duterte to approve the recommendation placing Metro Manila under the stricter Enhanced Community Quarantine from August 6 to August 20 is a necessary intervention to protect the public amid the rising cases of the more virulent Delta variant in the country.In this regard, I have already instructed the RD (Regional Director), NCRPO, Police Major General Vicente Danao, Jr., to make sure that all the quarantine restrictions that have been implemented before, including the deployment of appropriate number of PNP personnel and the coordination with Local Government Units for force multipliers, will be in place during that period,” paliwanag ng heneral.
Ibinabala ni Eleazar na sa ilalim ng ECQ, ikakalat nito ang mga pulis sa mga lansangan, komunidad, pampublikong sasakyan, mass transport system, gayundin sa mga business establishment upang magsagawa ng mahigpit na pagbabantay.
“We will make sure that the minimum public health safety protocols and other quarantine rules will be strictly implemented in order to achieve the purpose of this decision: to contain the spread of the COVID-19, particularly the more transmissible Delta variant,” pagdidiinni Eleazar.
Tiwala rin si Eleazar na maipatutupadnang maayos ang ECQ dahil nasubukan na sa Metro Manila ang nabanggit na hakbang.
Pinaalalahanan din nito ang mga pulis na maging magalang at isa-isip ang karapatan ng bawat mamamayan na lalabag sa quarantine restrictions.
“Hindi kasama sa ating tungkulin ang pagpaparusa, pananakit at pagpapahiya sa mga violators," babala ni Eleazar.
Nanawagan din ito sa publiko na igalang ang ECQ rules at ang mga nasa likod ng nagpapatupad nito, kabilang na ang mga barangay security officer at tanod.
“The fight against the COVID-19, including all its variants, is not only the responsibility of the people in the government, it is an obligation of everybody and our first line of defense is to be mindful of our protection and that of our family at all times—and to avail of the free vaccinations the moment that it becomes available for you,” said Eleazar.Let us work together to win this battle in order to make our lives normal again,” idinagdag pa ni Eleazar.
Aaron Recuenco