Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na nakatakda nang magsimula ang pagdaraos ng Brigada Eskwela para sa School Year 2021-2022 sa Martes, Agosto 3.
Sa paabiso ng DepEd, ang magiging tema ng Brigada Eskwela ngayong taon ay, "Bayanihan para sa Paaralan."
Ikinatwiran ng DepEd, layunin ng Brigada Eskwela 2021 na pagtibayin ang pagbabayanihan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga stakeholder para sa patuloy na paghahatid ng de-kalidad na edukasyon sa kabila ng pandemya sa darating na pasukan.
Nanawagan din ang DepEd sa mamamayan na makibahagi sa National Kick-Off Ceremony ng Brigada Eskwela na gaganapin sa Agosto 3, 2021 sa pangunguna ng SDO Tagum City ng DepEd Region 11, sa ganap na ika-2:00 ng hapon.
Inaasahang magkakaroon din naman ng sariling kick-off ceremony ang mga Regional Offices at Schools Division Offices sa kani-kanilang lugar.
Magtatagal ang Brigada Eskwela hanggang sa Setyembre 30, 2021.Matatandaang una nang inianunsiyo ng DepEd na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisimula ng klase para sa SY 2021-2022 sa Setyembre 13, 2021.
Mary Ann Santiago
ReplyForward