Sa gitna ng kabi-kabilang balita hinggil sa makasaysayang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics, isang post patungkol sa isang ‘living legend’ sa bansa mula sa larangan ng weightlifting ang nag-viral.

Ibinida sa isang Facebook post ni Yhara Ramirez, ang kanyang lolo na si Artemio E. Rocamora, isang dating weightlifter na nakapag-uwi rin ng medalya para sa bansa.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Si Lolo Artemio, 87 taong gulang, ay isang beteranong atleta at retiradong miyembro ng Philippine Airforce. Sa kanyang post, ipinagmalaki ni Yhara ang karanasan ng kanyang Lolo Artemio sa Olympics na bigo man makapag-uwi ng medalya, ay tagumpay namang nakapasok sa Top 20, matapos itong makaabot sa 19 na puwesto noong 1964 Tokyo Summer Olympics.

Pagbabahagi ni Yhara, "... he is now too old and as he saw Hidilyn Diaz compete and bring home the Gold."

"He was so amazed and remembered his journey naka-relate siya kasi totoo mahirap humanap ng sponsors, nahirapan daw siya mag-focus noon kasi at the same time kailangan niyang kumayod para itaguyod ang pamilya," dagdag pa niya sa post.

Panawagan ni Yhara, nawa'y bigyan ng sapat na suporta at pagkilala ang mga dating atleta tulad ng kanyang Lolo Artemio.

"I'm so grateful to be Filipino and proud to be his Apo. Our Super Handsome LOLO Artermio. We Love You So Much Papa! Wala na kaming ibang hiling kundi makasama ka pa namin ng matagal," caption nito sa kanyang post.

Hiling ngayon ni Yhara na matupad ang wish ng kanyang lolo na maka-meet and greet ang unang gold medalist ng Pilipinas