Asahan sa unang araw ng Agosto ang pagpapatupad ng ilang kumpanya ng langis sa malaking dagdag-presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG).

Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, posibleng tumaas ng ₱2.00 hanggang ₱2.50 ang presyo ng kada kilo ng LPG katumbas ng ₱22.00-₱27.50 bawat 11 kilogram na tangke ng cooking gas.

Ito ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan at ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa kasalukuyan, ang bentahan ng 11 kilograms na LPG tank na Gasul mula sa kumpanyang Petron ay nasa ₱855.

Bella Gamotea