Kilalanin si Julius Naranjo ang strength at conditioning coach at boyfriend ni Hidilyn Diaz.

Ipinanganak si Julius Irvin Naranjo sa Guam na isang half Filipino at half Japanese. Ang tatay niya ay isang Pilipino habang Japanese naman ang nanay niya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Larawan mula sa Instagram ni Julius Naranjo

Ayon sa article mula sa "The Focus," nag-aral si Naranjo ng business and photography sa Mt. San Antonio College. Nakamit naman niya ang bachelor’s degree in health sciences, exercise science and health promotion sa University of Guam.

Naging representative siya ng National Weightlifting Team sa Guam. Noong 2017, lumipad siya patungong Turkmenistan para sa Asian Indoor Martial Arts Games (AIMAG) kung saan lumaban siya sa 62kg weight category. At dito na rin niya nakilala si Hidilyn Diaz bilang representative ng Pilipinas.

Screenshot mula sa video na ipinost ni Julius sa kanyang Instagram

Ayon sa PNC Guam, back injury ang naging dahilan kung bakit nagretiro bilang weightlifter si Naranjo.

Taong 2018, matapos magretiro sa weightlifting, sinimulan niyang maging coach ng weightlifting athletes kagaya ni Hidilyn Diaz.

Bago maging coach, nagtrabaho rin siya bilang freelance photographer, videographer at filmmaker. Base sa Linkedin account ni Naranjo, siya ay co-founder at filmmaker ng Collective Culture LLC.

Nang magkakilala sina Julius at Hidilyn noong 2017, kalaunan ay nagdate na sila.

Minsan na ring sinabi ni Hidilyn sa kanyang interview sa "Magandang Buhay" noong 2019, na masuwerte siya na si Julius ang nasa tabi niya palagi.