Ilagan, Isabela— Inaresto ng mga awtoridad ang isang babae na Top 8 Most Wanted Person-Regional Level sa Ilagan, Isabela na anim na taon ng nagtatago.
Nitong Huwebes, inaresto si Teresa Domingo Villanueva, 51, residente ng Bgy. Daldalayap, Carangalan, Nueva Ecija, ng mga personnel ng Ilagan City Police Station, Provincial Intelligence Unit, Isabela Police Provincial Office at Carranglan Police Station, Nueva Ecija.
Isiniwalat ng mga pulis na nangyari ang pangingidnap noong Marso 1, 2015 mga bandang alas-9 ng umaga sa Bgy. Malayantoc, Sto. Domingo, Nueva Ecija.
Inakusahan umano si Villanueva ng pangingidnap sa 11-anyos na batang lalaki na anak ng kanyang live-in partner at apo ng Carmelita Bara na nagsampa ng reklamo laban kay Villanueva.
Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Anarica Castillo-Reyes ng RTC Branch 88, Third Judicial Region, Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija na may petsang Pebrero 11, 2016 para sa paglabag of Art. 267 of the RPC (Kidnapping and Serious Illegal Detention) na walang inirerekomenda na piyansa.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng Ilagan City Police Station para sa dokumentasyon at i-tuturn over ito sa court of origin ayon sa Police Regional Office 2.
Liezle Basa Iñigo