Walong pasyente ng coronavirus disease na may Delta variant ang namatay na, kinumpirma ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, anim sa mga namatay ang mula sa local cases, habang dalawa ang umuwing overseas Filipino.

Sa anim na lokal na kaso, dalawa sa namatay ang mula sa Cordova, Cebu; at tig-iisa sa San Nicolas, Ilocos Norte; Balanga, Bataan; Pandan, Antique; at Pandacan, Manila.

Dagdag pa rito, nasa edad 27 hanggang 78 anyos ang mga namatay. Lima ang lalaki habang tatlo ang babae.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tatlo naman sa walong namatay ang hindi pa nabakunahan. Patuloy pang bineperipika ng DOH ang vaccination status ng limang iba pa.

“We are continuously validating and verifying,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kasalukuyan umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa.

Samantala, sinabi naman ni Vergeire na patuloy pang pinag-aaralan ng mga eksperto kung mayroon nang community transmission Delta variant sa Pilipinas.

“Sa ngayon nakikita pa rin natin ang pagkaka-link ng mga kasong ito sa isa’t isa… Pero siyempre, gusto pa rin natin maghanda dahil hindi po natin masasabi sa ngayon dahil hindi naman natin tine-test lahat ng merong sakit na positive sa COVID-19 (Right now, we can still see the link between these cases… But of course, we still want to prepare because we can’t say right now because we don’t test everyone who is positive for COVID-19),” paliwanag ni Vergeire.

“We just need to act as if there is already this type of transmission happening in the country para mas maging cautious tayong lahat, meron tayong (so that we can all be more cautious, we have) extra precaution. But for now, we cannot declare that because we need evidence for us to say that there is really community transmission of the Delta variant,” dagdag pa niya.

Matatandaang nitong Hulyo 22 kinumpirma ng DOH na mayroon nang “local transmission” ng Delta variant sa bansa.

Analou De Vera