Pinapanatili ng gobyerno ang mahigpit na quarantine restrictions sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa susunod na buwan upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng Delta coronavirus variant.

Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pananatili ng Metro Manila at iba pang lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula Agosto 1 hanggang Agosto 15 para mapigilan ang coronavirus outbreak.

Mananatili rin sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Iloilo at tatlo pang lugar mula Agosto 1 hanggang Agosto 7 bilang pag-iingat sa kumakalat na virus.

“It would be good to adopt stricter measures for the protection of the people,”ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped televised address nitong Miyerkules, Hulyo 28.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Itong variant Delta is causing so much scary stories for us kaya kung sabi naour times more aggressive, more transmissibility is faster than the usual COVID-19, nakakatakot nga. So the best way really is to double the time in the inoculation of people,”dagdag ng Pangulo.

Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang kasalukuyang quarantine classifications sa kanilang miting nitong Miyerkules.

Nakapagtala ng mahigit 1.5 milyon na kaso ng COVID-19, kasama ang 119 na kaso ng Delta variant. 25 sa kaso ng Delta variant ay na-detect sa Metro Manila.

Mga lugar sa ilalim ng ECQ simula Agosto 1 hanggang Agosto 7:

1. Iloilo City

2. Iloilo Province

3. Cagayan de Oro City

4. Gingoog City

Mga lugar sa ilalim modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Agosto 1 hanggang Agosto 15:

1. Ilocos Norte

2. Bataan

3. Lapu-Lapu City

4. Mandaue City

Bukod sa Metro Manila, narito ang mga lugar sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions simula Agosto 1 hanggang Agosto 15:

1. Baguio City

2. Apayao

3. City of Santiago, Isabela

4. Nueva Vizcaya

5. Quirino

6. Quezon

7. Batangas

8. Puerto Princesa

9. Guimaras

10. Negros Occidental

11. Zamboanga Sibugay

12. City of Zamboanga

13. Zamboanga del Norte

14. Davao Oriental

15. Davao del Sur

16. General Santos City

17. Sultan Kudarat

18. Sarangani

19. North Cotabato

20. South Cotabato

21. Agusan del Norte

22. Surigao del Norte

23. Agusan del Sur

24. Dinagat Islands

25. Surigao del Sur

26. Cotabato City.

Ang natitirang lugar sa bansa ay mananatili sa ilalim ng modified GCQ sa buong buwan ng Agosto.