Umabot sa 13.6 porsyento ng populasyon o 3.4 milyong pamilyang Pinoy ang nakaranas ng gutom sa nakaraang tatlong buwan.
Ito ang ulat ng Social Weather Stations (SWS) batay sa isinagawang survey mula Hunyo 23 hanggang 26.
Ang nasabing bahagdan ay mas mababa ng 3.2 kumpara sa 16.8 porsyento nitong Mayo kung saan ay mas mababa pa rin ito ng 7.5 porsyento sa taunang tala noong 2020 na 21.1 porsyento.
Sa 13.6 porsyento na pamilya, aabot sa 11.5 porsyento o 2.9 milyon ang nakaranas ng “moderate hunger” habang 2.1 porsyento o 524,000 pamilya ang nakaranas naman ng “severe hunger.”