Tiniyak ni Mayor Marcelino Teodoro na naghahanda na ang Marikina City government hinggil sa posibleng pagtaas pa ng naitatalang COVID-19 cases atmapigilanang pagpasok ng mas nakahahawang Delta variant sa lungsod.

Ang pagtiyak ay ginawa ng alkalde matapos na ianunsiyo ng Inter Agency Task Force (IATF) na mananatili sageneral community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Metro Manila simula Agosto 1 hanggang 15.

“With the new quarantine classifications announced by the IATF, the Marikina city government has geared up for the possible increase of COVID-19 cases, and prevent the entry of the highly contagious Delta variant in the city,” ani Teodoro sa isang pahayag.

Ayon sa alkalde, simula nang mag-umpisa ang pandemya, naging agresibo na sila at proactive sa kanilang response laban sa COVID-19 upang maprotektahan ang buhay ng kanilang mga constituents.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“With the threat of the new variant, Marikina will exhaust all possible measures and available resources, as well as to employ stricter protocols to prevent the entry and spread of the variant and stem the increase in cases,” ani Teodoro.

“Expanded testing and contact tracing, effective isolation and quarantine, and strict adherence to minimum public health standards are being aggressively implemented to successfully prevent the spread of the virus,” aniya pa.

Patuloy rin aniyang nagpapaalala ang Marikina LGU sa kanilang mga residente na palaging tumalima sa umiiral na minimum public health standards laban sa COVID-19 kahit pa fully-vaccinated na sila laban sa virus.

Samantala, tiniyak rin naman ni Teodoro na magiging mas agresibo pa sila sa pagpapaigting ng kanilang vaccination campaign upang ma-immunize ang mga residente ng Marikina laban sa COVID-19.

Umapela rin ang alkalde sa national government na magpadala pa ng karagdagang mga bakuna sa Marikina upang mapalakas ang kanilang inoculation program at mas maraming tao ang mabakunahan.

Kaugnay nito, tiniyak pa ni Teodoro na bukas sila sa posibilidad na magpatupad ng granular lockdowns sa mga ispesipikong lugar sa bansa, bilang bahagi ng kanilang proactive measures laban sa nakamamatay na karamdaman.

“We need to be proactive in our pandemic response as the precious lives of the people are at stake,” aniya pa.

Mary Ann Santiago