Malaki ang ngiti ng isang Malaysian na tumulong kay Olympics Gold medalist Hidilyn Diaz nang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya sa kasaysayan ng Pilipinas sa pagsali sa Olympics.

Ipinagmamalaki ni Ahmad Janius, deputy president ng Malaysian Weightlifting Federation, ang bunga ng pagsisikap ni Diaz matapos ang mahigit isang taon na pagsasanay sa kanyang bahay sa Kampung Kesang Tua sa Jasin, Malaysia.

Sa panayam ng Malaysian media, humanga siya sa kung paano nagsanay si Diaz.

“Hidi is very fastidious and will ensure that every training equipment and the facility is in proper condition and arranged accordingly, including the smallest details,” paglalahad ni Janius sa panayam ng Bernama, isang Malaysian news agency.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“She always says that she wants to win the Olympic gold medal and she diligently undergoes her training routine from 10 a.m. to 1 p.m. and 5 p.m. to 7 p.m. daily, apart from focusing on her studies at night,”dagdag niya.

Nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong Marso 2020, kailangang manatili sa Malaysia ni Diaz, kasama ang dalawang coach niyang sina Gao Kaiwen at Julius Naranjo at sila ay palipat-lipat ng condominium sa mga sumunod na buwan.

Kalaunan ay natagpuan nila ang isang permanenteng tahanan bago magtungo sa Tokyo nang ipagamit ni Janius ang kanyang tahanan bilang training camp para kay Diaz.

Pinasalamatan naman Diaz si Janius at sa iba pa na tumulong sa kanya sa Malaysia kasunod ng kanyang tagumpay sa women's 55-kg category.

“Thank you very much sir for giving us (a) house, (a) home, (and) for giving us family in Malaysia,” sabi pa ni Diaz.

Jonas Terrado