Handang makulong si Pangulong Rodrigo Duterte kung mapatunayang nagkasala siya dahil sa umano’y mga pang-aabuso sa karapatan, gayunman, hindi niya nais na makulong mag-isa.

Sinabi ng Pangulo na kung sakaling siya ay makukulong, magsasama siya ng kanyang mga kritiko lalo na ng mga “dilawan”.

“Now there are many violations of human rights everywhere eh, hindi ninyo iniintindi kasi nakikinig kayo sa pulitika dito. Na-politicize ‘yan eh. Trabaho ng dilawan ‘yan,” aniya sa isang televised address nitong Miyerkules ng gabi.

“Kung ako makulong, magdala ako ng mga limang dilawan, sabihin ko sa’yo. Magpakulong ako, magdala ako ng dalawang dilawan, mamili ako sa kanila. Paano ko kayo dalhin, ‘yan ang problema ninyo,” pagbibigay-diin nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Idinagdag pa ni Duterte na hindi niya kikilalanin ang hurisdiksyon ng ICC (International Criminal Court) dahil sa wala naman siyang natanggap na kopya ng Rome Statute.

“Hindi ko nabasa ‘yan. I've never read that document, and so wala talaga akong alam kung ano ‘yang demonyo na ‘yan. Wala akong notice. Wala lahat. Now you want me prosecuted,” diin ng Pangulo.

“Ang winithdraw ko was nothing, really. It was an empty gesture of me. Wala kasi. There was nothing to withdraw in the first place. Ginawa ko lang ‘yung just to impress upon everybody na wala talagang batas, eh ‘di winithdraw ko. I was really withdrawing nothing, because until it was established that there was publication, then it becomes a law,” paglilinaw nito.

Sa kabilang dako, hindi naman papayagan ng Pangulo na litisin siya ng “white judges” ng ICC.

“Bakit ako haharap sa husgado na puro puti, p*t*ng*n* niya. Kung ako ay magpalitis, anong kasalanan ko, it will be before a Philippine court and before a Filipino judge,” pahayag pa nito.

Una nang sinabi ng Korte Suprema na walang “unbridled authority” si Duterte para kumalas mula sa anumang tratado at ang anumang arbitrary withdrawal ay maaaring itama ng korte subalit ang pagpapatuloy na ibasura ang petisyon na kumukuwestiyon dito ay kailangan na may batayan sa pamamaraan.

Beth Camia