Kalahati raw sa mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang sarili na “mahirap,” ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Samakatwid, 48 porsiyento ng mga pamilya ang nagsasabing sila ay "mahirap," 23 porsiyento naman ang hindi umano "mahirap," at 29 porsiyento ang nagtuturing na sila ay nasa "borderline" o malapit nang maghirap. Ginawa ng SWS ang panayam sa may 1,200 katao sa iba't ibang panig ng Pilipinas noong Hunyo 23 hanggang 26.
Batay sa SWS survey (kung kayo ay naniniwala), ang pinakahuling pigurang ito ay halos katulad noong Mayo 2021, na 40 porsiyento ang nagtuturing sa mga sarili o pamilya na (mahirap), 17 porsiyento ang hindi raw "mahirap,” at 33 porsiyento ang nasa "borderline" o malapit nang maging mahirap.Ang proporsiyon ng mga pamilya na nagtuturing na mahirap ay tumaas sa Visayas, mula sa 56 porsiyento noong Mayo May 2021 at naging 70 porsiyento nitong Hunyo 2021. Ang mga nagsasabing hindi "mahirap" ay umakyat sa 7 porsiyento mula sa 5 porsiyento.
Sa Metro Manila, 43 porsiyento ang nag-rate sa mga sarili na "mahirap" mula sa 39 porsiyento nitong Mayo. Tatlumpu't walong porsiyento ang nagturing sa mga sarili o pamilya na "hindi mahirap" mula sa 30 porsiyento nitong Mayo.Sa Luzon na labas ng Metro Manila, ang nag-rate sa mga sarili bilang "poor" ay bumagsak sa 38 porsiyento mula sa 45 porsiyento samantalang ang hindi masyadong naghihirap o "non-poor" ay tumaas mula sa 24 porsiyento nitong Mayo at naging 34 porsiyento nitong Hunyo.
Sa Mindanao na home region ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD), ang self-rated poor ay 51 porsiyento nitong Hunyo mula sa 59 porsiyento noong Mayo. Ang non-poor ay bahagyang tumaas at naging 7 porsiyento mula a 6 porsiyento.
Iniulat ng SWS na ang kanilang Second Quarter 2021 Social Weather Survey ay ginawa sa pamamagitan ng harapang panayam o face-to-face interviews sa 1,200 adults, 18 years old at pataas sa buong kapuluan.
As usual, hindi ako na-interview o natanong sa SWS survey na ito kung kaya hindi ako masyadong naniniwala sa survey-survey. Also, duda pa rin ako sa mga resulta ng surveys ng SWS at Pulse Asia, laluna tungkol sa popularity rate, trust at satisfactory ratings ng ating Pangulo dahil baka 'ika ko takot sila na kapag negatibo ang survey results ay suriin at eksaminin ang kanilang sistema at kung sila'y nagbabayad ng buwis sa BIR.
Mga kababayan, matanong ko nga kayo: "Saang kategorya kayo kabilang, sa "naghihirap" sa "hindi naghihirap" o 'yung nasa "borderline" ng kahirapan?
Bert de Guzman