Proud Marian Devotee ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz matapos ipagmalaki ang medalya at suot nitong Miraculous Medal of Our Lady Graces.
"Miraculous medal po, bigay ng friend ko, nag-novena sila nine days before my competition, and ako rin nag-novena. It's a sign of prayers nila at faith to Mama Mary and Jesus Christ," ani Diaz.
Ilang beses na naipakita ni Diaz ang pananampalataya nit at debosyon.
Matatandaang ilang ulit na sinambit ni Diaz ang katagang 'Thank you, Lord, thank you Lord,' habang naiiyak sa tuwa matapos ang pagkapanalo.
Noong dumating ang seremonya ng paggagawad ng medalya, matapos awitin ang pambansang awit ay makikitang tumuro paitaas si Diaz at nag sign of the cross.
Samantala, pinuri naman ng maraming pinuno ng simbahang Katoliko ang debosyon ni Diaz.
“We admire her devotion to the Blessed Mother as she carried in her victory her great faith in God,” ani Arsobispo Romulo Valles, Arsobispo ng Davao.
“Hidilyn is a true weightlifter who draws her strength from her love for the country and her deep Catholic faith,” dagdag pa ni Arsobispo Valles.
Ang miraculous medal ay hango sa pagpapakita diumano ni Maria kay St. Catherine Labouré, sa isang madre, noong 1800's.
Kaugnay dito, bukod kay Diaz, mayroon pang ilang kilalang World Record Holder at deboto ni Maria. Ito ay sina Meseret Defar mula sa Ethiopia, Usain St Leo Bolt mula sa Jamaica, Katie Ledecky at Simone Biles mula sa USA.
Angelo Sanchez