Nabigyan ng promosyon sa Philippine Air Force ang Olympian na si Hidilyn Diaz kasunod ng pagkakapanalo ng gold medal sa weightlifting sa Tokyo Olympics.

Mula sa pagka-sarhento ng PAF, nagingStaff Sergeant na ngayon si Diaz, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Gen. Cirilito Sobejana.

Si Diaz ay pumasok sa PAFnoong 2013.

Sinuportahan naman ni Sobejana ang PAF sa naging hakbang nito na na i-promote si Diaz. Epektibo ang promosyon nitong Hulyo 27.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang nasabing promosyon aniya ay bilang pagkilala sa nagawa ni Diaz sa larangan ng palakasan at pagmamalaki at pagdadala ng karangalan sa bansa. Ito na ang unang gintong medalya ng Pilipinas mula nang sumali ito sa Olimpiyada halos isang daan taon na ang nakararaan.

"Congratulations, Staff Sgt. Diaz. The AFP is proud of your accomplishments and may you continue to serve as an inspiration to your fellow service members," sabi ni Sobejana.

Matatandaang nag-uwi rin si Diaz ng silver medal noong Rio Olympics 2016; gold medal noong Asian Games noong 2018; at gintong medalya pa rin sa nakaraang Southeast Asian Games noong 2019. 

PNA