Nakapasok na rin ang Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa Malabon City.
Ayon kay Malabon Mayor Lenlen Oreta, nalaman lamang nila ito sa ulat ng Department of Health (DOH).
“Our City Health Office and other concerned offices are working 24/7 to manage the increase in cases,” banggit ng alkalde at sinabing inabisuhan na niya ang lahat ng barangay officials kaugnay pagpasok ng virus sa kanilang lungsod.
Binanggit pa na naka-isolate na ang pasyente, pati na rin ang mga close contact nito.
Nitong Miyerkules, naitala na ng lungsod ang kabuuang 226 na active COVID-19 cases.
Joseph Pedrajas