Dumating na sa bansa ang 345 na Overseas Filipino workers (OFWs) na na-stranded sa Oman, nitong Martes ng umaga, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni Sarah Lou Arriola, Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, gumamit pa sila ng chartered flight upang maiuwi na sa Pilipinas ang mga ito.

“The increased number of stranded OFWs in the country prompted our Embassy in Muscat, Oman to request for a chartered repatriation flight,” banggit ni Arriola.

Sa kanilang pagdating, kaagad na sumailalim ang mga ito sa kaukulang medical protocolsalinsunodna rin sa itinakda ng Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine. Obligado rin ang mga OFW na sumailalim sa 14-day facility-based quarantine alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Bella Gamotea