Sisimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsasagawa ng motu proprio investigation kaugnay ng pagkakapaslang sa radio commentator na si Reynante Cortes sa Cebu, kamakailan.

Ipinahayag ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, ang kanilang hakbang ay kasunod ng paglikha ng Philippine National Police ng special investigation task group na mag-iimbestiga sa kaso ni Cortes, isang blocktimer commentator ng DYRB-AM station.

“We call for a swift and impartial investigation into the incident to bring justice to the victim and accountability for perpetrators involved," panawagan nito.

Kiko Pangilinan, nakiramay sa pagpanaw ni Johnny Dayang

Layunin ng CHR na matukoy ang nasa likod ng insidente upang mapanagot sa batas.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang CHR sa pamilya ng biktima at nangakong bibigyan ng hustisya ang pagkakapaslang kay Cortes. Si Cortes ay pinagbabaril ng isang hindi nakikilalang lalaki sa harap ng naturang istasyon ng radyo sa N.Bacalso Avenue, Mambaling, noong Hulyo 22.

Beth Camia