Viral ngayon sa social media ang post ng isang online seller na si Marjorie Alison na taga-Cebu matapos nitong ipakita sa video ang hindi umano pagbabayad nang buo ng kanyang kliyente.

Panuorin: https://www.facebook.com/100037867746613/videos/187079196800524

Sa Facebook post ni Alison, hindi umano nagbayad ang customer nito matapos sabihin na hindi ito ‘satisfied’ sa kinaing lechong package. Nakita sa video ang sagutan nila ng kanyang kliyenteng kinilalang si Maria Hofs.

Sa nasabing footage, makikita ang pagpunta ni Alison sa bahay ni Hofs upang singilin ito sa balanse na  ₱10,200. Ito ay matapos mag-down ng ₱9,000 si Hofs para sa ₱18,000 halaga ng inorder na pagkain.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang food package ay naglalaman ng isang buong lechon na nagkakahalaga ng₱8,000, kasama ang isang set ng pagkain na mayroong ulam at prutas.

Nang singilin na ni Alison, tumanggi na si Hofs na bayaran ang balanse at ikinatwiran na hindi sapat ang pagkain sa package.

“Ma’am, food package lang po ito hindi po ito catering, aware naman po kayo na ‘yan po ang mga ulam dahil nagpa-customize po kayo,” katwiran ni Alison nang sabihin ni Hofs na₱3,000 na lang ang ibabayad niya sa kanyang balanse.

Sa kabila nito, hindi pa rin nabayaran ni Hofs ang balanse nito.

"Asan hustisya ng mga small business owner, lalo na sa online lang naghahanap buhay?” ang bahagi ng social media post ni Alison na umani ng iba't ibang reaksyon.

Angelo Sanchez