LAGUNA – Lumaganap na rin ang Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa lalawigan matapos maitala ang 18 na kaso nito, ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, nitong Martes, Hulyo 27.
Aniya, aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo upang makuha ang resulta ng COVID-9 test. May pagkakataon aniya na nakarekober na ang pasyente bago matuklasang tinamaan pala sila ng nakahahawang variant.
Gayunman, hindi na nagbigay pa ng iba pang impormasyon ang gobernador kaugnay ng sitwasyon ng 18 na nahawaan ng virus.
Pinayuhan din nito ang mga residente na pairalin ang mahigpit na pag-iingat sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinatutupad na health protocols.
Carla Bauto Deña