Kwalipikado si Senate President Vicente Sotto III na sunod na maging bise presidente, ayon kay Pangulong Duterte nitong Lunes.

Sa kanyang pang huling State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, sinabi ni Pangulong Duterte habang pinag-iisipan ang posibleng pagtakbo bilang bise presidente, si Sotto raw ay maaaring maging bise presidente.

“He is a good man. He can become a good vice president,” ani Duterte.

“With due respect to Senator Sotto, who is also running for the vice presidency, he is a capable man, a good man, and a Filipino,”aniya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Naroon si Sotto sa session hall habang pinupuri siya ng pangulo para sa kanyang kakayahan bilang susunod na bise presidente ng bansa.

Nauna nang sinabi ni Duterte na seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo bilang bise presidente para maiwasan ang lawsuit ng kanyang mga kritiko kapag natapos ang termino niya sa susunod na taon.

Genalyn Kabiling