Umabot sa 20 ang State of the Nation Address o SONA ni dating Pangulo Ferdinand Marcos.

Kaugnay dito, siya rin ang may hawak ng record bilang may pinakamahabang SONA kung pag-uusapan ang bilang ng mga salita.

Ito ay ang kaniyang ika-apat na SONA na ginanap noong Enero 23, 1969 sa Legislative Building, Manila, na nakapagtala ng 29,335 na salita.

Samantala, si dating Pangulong Sergio Osmeña Sr. naman ang may pinakakaunti. Nakapagsagawa lamang siya ng SONA noong 1945, sa pagbabalik ng pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Angelo Sanchez at Richard de Leon