Ang State of the Nation Address (SONA) ay isang tradisyon na kung saan inilalahad ng Pangulo ang estado o lagay ng bansa sa nakalipas na isang taon at dito rin inilalahad ang mga plano ng gobyerno sa susunod na taon.
Ngayong araw, Hulyo 26, ang ika-83 na State of the Nation Address ng Pangulo ng Pilipinas. Nagsimula ang SONA noong Nobyembre 25, 1935 sa ilalim ng administrasyon ni Manuel L. Quezon.
Ang ika-83 na State of the Nation Address sa Pilipinas ay nakatakdang ibigay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang kanyang huling SONA para sa kanyang termino.