Sa huling pagkakataon, mapakikinggan ng mga Pilipino ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, mula sa Batasan Pambansa, ngayong Hulyo 26, Lunes.

Mula noong 1986, tuwing ikaapat na Lunes ng Hulyo, inihahayag ng pangulo ng Pilipinas ang kanyang taunangState of the Nation Address.

Ngayon, bago natin pakinggan ang mga sasabihin ni Pangulong Duterte sa kanyang huling SONA, narito ang ilang dagdag kaalaman tungkol sa taunang talumpati ng pangulo.

Noong 2017, naitala ni Duterte ang ikalawang pinakamahabang SONA ng pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas, na umabot ng 120 minuto.

KILALANIN: Sino si Denise Julia na inireklamo ni BJ Pascual?

Sinusundan nito si Pangulong Benigno Aquino III, na siyang may hawak ng tala para sa pinakamahabang SONA, na tumagal ng higit 130 minuto.

Samantala, si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo naman ang may pinakamaikling SONA sa kasaysayan na umabot lamang ng 25 minuto at mayroon lamang 1,551 na salita, noong 2005.