Hindi nagpatinag sa habagat, bagkus ay ginawa pang oportunidad ng pitong Pinoy para magsaya sa baha na kita sa Facebook post ni Vience Caiña, 26, mula sa Noveleta, Cavite.

Animo'y manlalaro ng swimming olympics ang pitong Caviteño na nagpaligsahan sa baha.

Kuwento ni Vience, "Nangyari po ito habang naghihintay ako ng inorder kong cake. Napansin ko may nag-dive na sa court.'

"Nung nagsimula na silang pumila na parang kontest, nagsimula na po akong magvideo. Sobrang laughtrip!" dagdag pa ni Vience.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ayon kay Vience, umabot na baywang ang lalim ng baha sa court pero sa kalsada naman ay hanggang tuhod lang. Ito ay dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian.

Pumatok naman sa netizens ang kaniyang video post na lumagpas na ng 81,000 reacts mula nang i-post niya ito noong Hulyo 25, na may caption, "Its more fun in the PelEpENZ... Langoy Pinas!... #Olympics."

Nag-iwan naman ng mensahe si Vience para sa mga kapwa Pinoy na dumadaan sa pagsubok partikular na sa kalamidad.

Aniya, "Ito ang Pinoy. Kahit na anong kalamidad, magagawa parin nating ngumiti. Kaya para sa kapwa ko pinoy d'yan, kahit ano man ang pagdaanan maging masaya tayo. Laban pinas!"

Angelo Sanchez