Inalerto ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente ng walong bayan sa Bulacan matapos magpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, nitong Linggo, dakong 12:29 ng hapon.

Naitala ng Hydrometeorology Division ng PAGASA ang 101. 30 metro ng water level ng dam nang magpaapaw ito ng tinatayang nasa 40.8 cubic meters per second (cms).

Inaasahan ng PAGASA na tataas pa ang lebe ng tubig ng water reservoir bunsod na rin ng patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat.

Kabilang sa mga binalaan ang mga residente ngNorzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy dahil sa posibleng pagbaha.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ellalyn De Vera-Ruiz