Ibinahagi ni TV host Willie Revillame, na may mga lumalapit na sa kanya upang makapag-interview hinggil sa kanyang planong pagsabak sa mundo ng politika.

Gayunman, sa recent episode ng kanyang show na “Wowowin-Tutok To Win,” iginiit ni Willie na wala muna siyang tatanggaping interview hangga’t wala pa siyang pinal na desisyon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“So wala muna ho akong interview. Kasi wala pa naman akong desisyon. So pag may pa interview na ako, pag may desisyon na,” aniya. “E ayoko munang mag pa-interview dahil pinag-iisipan at pinag-aaralan ko pa. Hindi ho ako nagpa-file, wala akong ano… basta yun ho, kung ano man ho yun, intayin ko lang ho yung aming pag-uusap. Pagkatapos ng pag-uusap. Then I will decide. Then I will announce. So ngayon ho, wala naman akong i-announce dahil wala naman akong commitment.”

Matatandaang nagsimulang lumutang ang mga balita hinggil sa kanyang pagtakbo sa senado nang mabanggit niya ang posibilidad ng pagpapasa ng kanyang role bilang TV host ng “Wowowin” sa iba dahil sa “malaking desisyon” na plao niyang gawin.

Kalaunan, nanawagan din si Willie sa publiko na ‘wag insultuhin ang mga celebrities na pinipiling sumabak sa politika.

“Huwag kayong mag-alala hindi ako kenkoy sa Senado. Hindi kami magkekenkoyan. Tutulong, gagawa ng paraan, gagawa ng batas sa mga taong nagugutom. Hindi po magpapatawa doon,” aniya.

“Huwag niyo naman kami nilalait dahil kami malinis ang puso. Kami ang pag-iisip, walang iniisip. Nasa sa tao ang pag-gawa ng kawalanghiyaan. Nasa sa iyo kung magnanakaw. Wala po sa isip ko yan.”

Anyway, ayon mismo sa TV host, higit sa lahat ang nais niya ay patuloy na makapagpasaya ng mga manonood.

“I hope maintindihan niyo. Once lumabas naman akong magdesisyon na, ayun open na ako sa lahat. Pero ngayon ho, hindi ako pwedeng magdesisyon, at hindi ako pwedeng mag pa-interview kasi wala naman ho kayong maitatanong. ‘Tatakbo ka ba? Ganito?’ Wala pa ho sa desisyon ko yan. Gusto ko muna mag-‘Wowowin,’ gusto ko muna magpasaya, gusto ko munang makatulong sa programang ito hangga’t wala pang desisyon.”

Dagdag pa niya, sa Oktubre pa naman ang filing ng certificate of candidacy, kaya may ilang buwan pa siya upang makapagpasya.

“Pasensiya na kayo. Sana maintindihan niyo. Wala ho akong desisyon pa kasi e. So kalimutan niyo muna natin yan, sa tungkol diyan,” hikayat pa ni Willie.

“Meron na nga mga nagsasabi na yung kukunin daw nilang senatorial eh yung daw hindi nag bu-Budots, yun daw yung hindi nagpapatawa at hindi nagbibigay ng jacket. At hindi yung nag sa-swab mag-isa. Well, kung sino ka man, attorney, tingnan mo yung ginawa namin sa ating mga kababayan na naghihirap. Tapatan mo yun. Pag na tinapatan mo yun, bilib ako sayo.”

Saad pa ni Willie, hindi naman kailangan na maging “magaling at marunong” upang makatulong sa iba.

“Kumuha ka ng magagaling na abugado, di ba? Para ikaw ay makagawa ng magandang batas. Ang importante matulungan mo yung mga naghihirap nating mga kababayan. Yung kakainin nila sa araw-araw, pambili ng gamot – yan ang dapat. Kaya ka nga binoboto para makatulong ka. Kaya ka nga inilalagay diyan para sa kanila, hindi naman pansarili mo – kahit sino ka pa, abogado, doctor – basta maganda dapat ang hangarin natin,” giit niya.

“This is not the right time para tayo magkumpara-kumpara. Saka wala pa ho akong desisyon kaya ‘wag niyo muna akong tirahin, di ba? Wala munang tirahan kasi wala pa namang desisyon e.”