Sumabak sa isang “Questions We’ve Never Asked Each Other” ang aktor na si Vin Abrenica sa vlog ng kanyang fiancee na si Sophie Albert.

Dito, nagbahagi ang aktor ng kanyang pananaw sa mga kalalakihan, in general, na hindi nagagawang maiwasan ang temptation.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

Para kay Vin “unfair” maituturing ang konotasyon.

“Mayroon talagang temptations na nangyayari sa atin. Pero ‘yung nakakalimutan ng statement na ‘yun is God gave us a choice and that’s His gift to humans, to man. Binigyan Niya tayo ng choice to choose what’s right and what’s wrong,” say ni Vin.

“May taong cheater, will they always be a cheater all his life? Parang it’s a choice, he chose to cheat. Or he chose to be tempted. I think that’s unfair for guys. It’s not a matter of sex, biology, kung lalaki ka or babae ka.”

Aniya, kung hindi na maayos ang takbo ng relasyon, hindi dapat hanapin ang solusyon sa ibang babae pero konsultahin dapat ang kanilang partner.

“Sasabihin ko sayo ‘This is what I want, di mo mabigay,'” saad ng aktor, kasabay ng pagbabahagi ng opisyon tungkol sa halaga ng “closure” bago gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin.

“Kung makapag-agree kayo na at risk nga ‘yung relationship, kung ayaw niyo pa rin ang isa’t isa, then at least you have a closure first. E ‘di maghiwalay kayo. Then you do the stuff that you want to do,” aniya.

“At least you’re not gonna cheat but you’re gonna do what you want that can satisfy you. ‘Yung pinakaano sa akin is you have a choice. You always have a choice.”

Matatandaang sa mga nakalipas na linggo, hot topic ang kapatid ni Vin matapos isiwalat ni Robin Padilla na paghihiwalay ng anak na si Kylie at asawa nitong si Aljur dahil sa umano’y ‘third party.’

Samantala, nito lamang Marso naging first-time dad si Vin.