Maagang umingay ang social media ngayong Sabado, Hulyo 24, nang magising ang mga Pilipino sa 6.7 magnitude na lindol na tumama sa Calatagan, Batangas at naramdaman din sa mga kalapit na lugar, kasama ang ilang bahagi ng Metro Manila.

Ilang netizens ang pumuri sa advance alert na dumating sa kanilang mobiles mula sa Google, ilang sandal bago mangyari ang paglindol dakong 4:49 nitong umaga.

Isang 5.1-magnitude aftershock naman ang sumunod dakong 4:57 ng umaga, ayon sa

Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Tweet ni @_bigbryte: “Props to whoever invented this early warning system. Got notified seconds ahead bago lumindol (before the earthquake struck)

https://twitter.com/_bigbryte/status/1418677186584735744

Ayon naman kay Twitter user @sunlightmirae: “But kudos to Android/Google’s notif about the earthquake. It was accurate as hell! After receiving that notif, seconds after lumindol nga (an earthquake really happened). Keep safe everyone!”

https://twitter.com/sunlightmirae/status/1418677210412589056

May ilan naman nagtatanong kung naglabas ba ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng katulad na warning dahil hindi sila nakatanggap ng anumang alert.

Tanong ni Twitter user @guidoerikamae: “Bakit walang alert ‘yung samin? Kahit cp namin nila mama? Tatlo kaming may cp na dating kapag may ganto na lindol or matinding ulan nag-aalert but now? No NDRRMC alert happened.”

Ayon sa Google, gumagamit ito ng Android devices tulad ng mobile phones “to provide people with timely, helpful earthquake information when they search, as well as a few seconds warning to get themselves and their loved ones to safety if needed.”

Nitong nakaraang buwan lamang inilunsad ng Google Philippines ang “Android Earthquake Alerts System” na nagbibigay ng babala sa mga tao para sa isang lindol sa pamamagitan ng dalawang paraan: via search engine at direkta sa Android mobile device.

Samantala, nagpapadala naman ang NDRRMC ng alerts sa panahon ng sakuna at kalamidad bilang mandato ng Republic Act No. 10639 o ang Free Mobile Disaster Alerts Act.

Bago ito, ipinaliwanag ng NDRRMC na nagkakaroon ng delay sa paglabas ng alert, tulad halimbawa ng malakas na pag-ulan o lindol, dahil sa “network congestion.”

“It appears that a network congestion happens as a consequence of the sending of messages to so many subscribers all at the same time, a limitation in technology that our telco partners are still trying to resolve,” pahayag ni Office of Civil Defense spokesperson Mark Timbal.

Dagdag pa rito, ayon kay Timbal nagsasagawa na ang mga lokal na opisyal ng

initial assessment upang matukoy ang pinsalang dala ng lindol.

Wala namang nakikitang banta ng tsunami matapos ang paglindol bagamat maaaring asahan ang aftershocks.

“[There is an] ongoing assessment. So far, no tsunami threat after the earthquake,” aniya.

“[We are] expecting no damages. [We are] expecting aftershocks,” dagdag pa niya.

Martin Sadongdong