Ipatutupad muli ng Metro Manila Council (MMC) ang mas mahabang curfew hours simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw na magsisimula ngayong Linggo, Hulyo 25 sa buong Metro Manila kasunod ng pagsasailalim nito sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions.

Nagkasundo ang 17 ang Metro mayors na i-adjust ang curfew hours, dating 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng madaling araw, dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID 19 cases sa Metro Manila at upang kontrolin ang pagkalat ng Delta variant.

"The COVID-19 Delta Variant is highly contagious with an R Naught (R0), a measure of contagion or reproduction rate, of 5 to 8 that may potentially trigger an exponential surge and local transmission in densely populated areas like the NCR,” sabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos.

"We need to limit the movement of the public through the imposition of longer curfew hours. Since the Delta variant spreads exponentially, we should not let our guards down and implement necessary restrictions to contain the virus,” dugtong pa nito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa kanyang pinakahuling advisory nitong Sabado ng Department of Health (DOH) nakapagtala ito ng karagdagang17 bagong kaso ng Delta variant, na umabot na sa kabuuang 64 na kaso.

Bella Gamotea