Pansamantalang sinuspindi ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar ang lahat ng PTCFOR (permit to carry firearmsoutside of residence) bilang bahagi ng paghahanda para sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 26.

Sa memorandum ni Eleazar na may petsang Hulyo 16, gayunman, isinapubliko lamang ito nitong Biyernes, iniutos nito na ipatutupad ang hakbang mula Hulyo 21, dakong 8:00 ng umaga hanggang Hulyo 28, dakong 8:00 ng umaga,.

"Only members of PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) who are performing official duties and in agency-prescribed uniforms will be allowed to carry firearms,” ayon sa direktiba ni Eleazar.

Layunin aniya nito na hindi magkaroon ng mga insidente at para na rin sa kaligtasan ng publiko.

National

Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

“The directive shall be implemented in consonance with the concept of Managing Police Operations in close coordination with the AFP, other LEAs (law enforcement agencies) and local government units," paliwanag pa ni Eleazar.

Kaugnay nito, magpapakalatdin si Eleazar ng 15,000 pulis upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa SONA ng Pangulo.

PNA