Isang 42-anyos na lalaki ang natutulog ng 300 na araw kada taon at tinaguriang real-like “Kumbhkarna,” isang mythological character na kilala sa pagtulog ng anim na buwan.

Si Purkharam, residente ng Bhadwa village sa Parbatsar division sa India, ay naghihirap mula sa isang pambihirang karamdaman na tinatawag na Axis Hypersomnia na kung saan kapag natulog siya ay umaabot ng hanggang 20-25 na araw.

23 na taon na ang nakalipas simula nang ma-diagnose siya sa kanyang karamdaman. Mula noon, ang kondisyon niya ay nakaaapekto sa kanyang pamumuhay. 

Dahil sa kanyang kondisyon, napapatakbo lamang ni Purkharam ang kanyang tindahan sa loob ng limang araw kada buwan dahil kapag nakatulog siya, pahirapan na siyang gisingin.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon sa kanyang pamilya, dati ay nakakatulog lamang ito ng 7-8 na araw, subalit mas lumalala ang karamdaman nito habang lumilipas ang panahon, ngayon ay natutulog na ito ng 20-25 na araw sa isang tulugan.

Pinapakain at pinaliliguan siya ng pamilya habang ito ay natutulog.

Ayon kay Purkharam, sa kabila ng pag-inom ng gamot at sobrang pagtulog, nakararanas siya ng pagod at ang nahihirapan din siya maging produktibo. Nararanasan din niya ang matinding pananakit ng ulo.

Umaasa ang asawa niyang si Lichmi Devi at ang nanay niyang si Kanvari Devi na gumaling na agad ito at mamuhay ng normal kagaya noon.