Pansamantalang nagtigil ng kanilang mga operasyon ang tatlong rail lines sa Metro Manila kasunod na rin ng magnitude 6.6 na lindol sa Calatagan, Batangas nitong Sabado ng madaling araw.
Nagpasya ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), na itigil muna ang kanilang mga operasyon upang makapagsagawa ng safety checks at i-assess ang kalagayan ng mga istasyon at mga pasilidad nito, para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
“As of 5:13AM, LRT-1 operations are temporarily suspended to allow for the full inspection of tracks and facilities. This is to ensure safety before resuming operations. Please stand by for further updates,” anunsiyo ng LRT-1.
“Pansamantala munang walang operasyon ang LRT 2habang nagsasagawa ng clearing operations at safety check kaugnay ng naganap naindol kaninang 4:49 ng umaga sa Calatagan, Batangas,” ayon naman sa LRT-2.
“ANUNSYO PUBLIKO: Kaugnay ng6.7 magnitude na lindol na naganap kaninang 4:49 ng umaga sa Calatagan, Batangas, pansamantalang itinigil ang operasyon ng MRT-3 para magsagawa ng safety check at i-assess ang kalagayan ng mga istasyon at pasilidad nito,” paabiso naman ng MRT-3.
Matapos naman ang may ilang oras na inspeksiyon ay kaagad na ring ipinagpatuloy ng mga rail lines ang kanilang serbisyo para sa mga mamamayan.
“Update as of 625AM: LRT-1 is now operational in all 19 stations after receiving safety clearance to operate. Salamat at ingat po sa biyahe!” anang LRT-1.
“LRT2 UPDATE: LRT2 resumed its operations in all stations as of 8:01 AM,” ayon naman sa LRT-2.
“ANUNSYO PUBLIKO:Bumalik na sa normal na operasyon ang MRT-3 matapos pansamantalang itigil ang biyahe ng mga tren, matapos magsagawa ng safety check at assessment sa mga istasyon at pasilidad nito kaugnay sa nangyaring lindol kaninang 4:49AM sa Calatagan, Batangas,” pahayag naman ng MRT-3.
Ang LRT-1 ang siyang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran, Parañaque City habang ang LRT-2 naman ay bumibiyahe mula Claro M. Recto Avenue sa Maynila hanggang sa Antipolo City.
Samantala, ang MRT-3 naman ay bumabaybay sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City at pabalik.
Mary Ann Santiago