Patay ang isang 59-anyos na pasyente nang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng Sta. Ana Hospital sa Maynila kung saan siya naka-confine dahil sa sakit na moderate pneumonia.

Ang biktima ay kinilalang si Paeng (hindi tunayna pangalan), barangay kagawad, at taga-Sta. Mesa, Maynila.

Sa imbestigasyon ni Police Senior Master Sergeant Rodolfo Acosta ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section,ang insidente ah naganap sa naturang pagamutan, dakong 5:50 ng hapon.

Sa pahayag ng on-duty security guard na si Marvin Delos Reyes, 34, nasa parking area umano ito nang makarinig ng malakas nakalabog at nang alamin nito ay nakita niya ang pasyente na nakahandusay sa pasilyo ng ground floor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaagad itong isinugod sa nasabi ring pagamutan, gayunman, binawian na ito ng buhay.

Sa rekord, isinugod ang pasyente sa ospital dahil sa dinaranas na moderate pneumonia, pagkabalisa at depresyon.

Nilinaw naman ni Sta. Ana Hospital director, Dr. Grace Padilla, negatibo naman sa coronavirus disease 2019 ang pasyente.

Mary Ann Santiago