Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang travel ban sa Malaysia at Thailand dahil sa banta ng Delta variant, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nitong Biyernes, Hulyo 23.
Aniya, hindi papapasukin ng Pilipinas ang mga biyahero na galing sa mga naturang bansa at may travel history sa nakalipas na 14 na araw simula Hulyo 25, 12:01 a.m. hanggang 11:59 p.m. ng Hulyo 31.
Dagdag pa niya, maaari pang pumasok ng Pilipinas ang mga biyaherong galing Malaysia at Thailand bago ang Hulyo 25 ngunit isasailalim ang mga ito sa full 14-day quarantine kahit negatibo ang resulta ng RT-PCR test.
Ang exempted sa travel ban na maaari pang makapasok sa Pilipinas ay ang mga Pilipino na kabahagi ng repatriation flights at special commercial flights.
Bukod sa Malaysia at Indonesia, kasama rin sa travel ban na epektibo hanggang Hulyo 31 ang mga bansang; India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.