Sa kanyang Instagram stories nitong Hulyo 21, ibinahagi ng dating beauty queen turned actress na si Lara Quigaman ang kanyang pinagdaanan simula nang maospital dahil sa acute pyelonephritis o kidney infection nitong mga nakaraang araw lamang.

Sa kanyang IG stories, ibinahagi ni Lara na kagagaling lamang nilang mag-asawa ( Marco Alcaraz) kasama ang mga anak sa Cebu para i-celebrate sa hometown ng aktor ang kaniyang 41st birthday kasabay ng kanilang 9th wedding anniversary.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon sa kuwento ni Lara, kauuwi pa lamang nang makaramdam siya ng hindi maganda sa katawan.

"Sobrang nag-enjoy kami sa Cebu, pero napagod din pala ako. Pag-uwi sa bahay, naramdaman ko ang sobrang pagod. Pati likod ko sobrang sakit. May 3 bata pang sobrang clingy at medyo 'di ko na kinaya. I had a meltdown. Naiyak ako at sabi ko sa sarili ko, gusto ko lang muna mag-isa. Magpahinga. Gusto ko ng tahimik... Maya-maya, nilagnat na ako, nag-chills," kuwento niya.

Nagsimula raw siyang makaramdam ng sobrang taas ng lagnat at chilling at matapos siyang obserbahan for two days, isinugod si Lara sa hospital at in-isolate muna siya until she got a negative COVID-19 test result.

"I felt guilty for wanting to rest. I got what I wished for, but it was horrible, I was in pain and shivering, and alone," aniya.

"But God knew I needed to rest. He reminded me that my children will survive without me. That I also need to take care of me.

Kuwento pa ng dating beauty queen.

"I spent 3 nights in the hospital. The first 2 nights were horrible because I still had high fever, pain and chills, but the last night—I think tulo laway tulog na ako.

"Nakapag-selfie na ako dito kasi pinayagan na ako umuwi ng doctor. Acute pyelonephritis. I was given antibiotics via IV. Now getting better. Thank You, Jesus!"

Kasunod ng kanyangIG story, ibinahagi rin ni Lara ang ilang larawan ng kanyang mga anak na natutulog, na may caption na: "Back home. Balik siksik na naman sila... Okay na ako. Will remember to rest and take it easy. And to ask for and accept HELP."

Ador V. Saluta