May sampung buwan pa bago magdaos ng 2022 elections, pero may ilan ng partido-pulitikal ang naghahayag na ng kanilang posibleng mga kandidato sa pagka-senador.

Kung titingnan at susuriing mabuti ang mga pangalan nila, karamihan sa pumupuntirya sa Senado ay pawang dating Senador at kasalukuyang miyembro ng Mataas na Kapulungan at mga miyembro ng Duterte cabinet.

Nag-release sa media sina Sen. Panfilo Lacsonat Senate President Vicente Sotto III ng listahan ng 10 posibleng kandidato nila, na kinabibilangan ng nakaupong mga senador at dating senador. Sina Lacson at Sotto ay nagpahiwatig na tatakbo sa 2022 bilang pangulo (Lacson) at Sotto (pangalawang pangulo).

Kabilang sa slate ng 16 senatorial bets ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) para sa 12 upuan sa Senate--ay inihayag ni Eastern Samar Gov. Ben Evardone, PDP-Laban vice president for Visayas. Kabilang sa kanila ang ilang miyembro ng gabinete, celebritiesat isang media personality.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang mga kandidato ng administrasyon ay laging may bentaha o advantage dahil kumpleto sa pondo, may state-run media para sa propaganda. Bukod dito, pabor sa kanila ang endorsement ni PRRD.

Sa Lacson-Sotto tandem, nasa listahan sina ex-Sen. Joseph Victor (JV) Ejercito, Information and Communications Technology Sec.GregorioHonasan, Deputy House Speaker Loren Legarda (Antique), Senate Majority Leader Miguel Zubiri, Sorsogon Gov.Francis "Chiz" Escudero (dating Senador), Sen. Sherwin Gatchalian, former Commission on Elections CommissionerGoyo Larrazabal, Rep. Lucy Torres-Gomez (Leyte 4th District) at Sen. Joel Villanueva.

Kabilang sa listahan na inihayag ni Evardone ay sina presidential legal counsel Salvador Panelo, presidential spokesman Harry Roque, DoTr Sec. Arthur Tugade, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, Presidential Communications Operations Office Martin Andanar,Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica, Labor Secretary Silvestre Bello III, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Robin Padilla (Actor), Willie Revillame (TV host), Raffy Tulfo (columnist), at Public Works and Highways Sec. Mark Villar.

Sinabi naman ni Sen. Leila De Lima, vocal critic ng Duterte administration na ipinakulong ng Pangulo sa bintang na illegal drug trade, na muli siyang tatakbo. Tatakbo rin sina Sens. Risa Hontiveros at Francis Pangilinan, mga miyembro ng Senate minority bloc.

Samantala, wala pang inihahayag ang 1Sambayan at maging ang kampo ni Vice Pres. Leni Robredo kung sino ang kanilang mga kandidato. May nagtatanong pa: Tatakbo ba si beautiful Leni o hindi?

Bert de Guzman