Bumaba ang bilang ng health care workers ng Philippine General Hospital (PGH) na nahahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos makatanggap ng 2nd dose ng bakuna, kamakailan.

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, inihayag ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, nakararanas lamang aniya ng mild symptoms ang ilang health care workers na nahahawaan ng virus kahit fully vaccinated na ang mga ito.

“So far, the proportion of Covid 19 infection in the fully vaccinated group is 23 to 6,052. This shows the vaccine is effective, although it may not 100 percent prevent infection,” aniya.

Nitong Mayo, aabot sa 26 na kawani ng PGH ang naiulat na nagpositibo sa sakit, kahit apat sa mga ito ang nakatanggap na ng 2nd doseng bakuna.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Naitala naman ang 28 kaso ng sakit sa mga tauhan ng PGH, nitong Hunyo.

“Compared to May and June of 2020 when no vaccination was available and to May and June 2021 when more than 80 percent of the PGH staff are fully vaccinated, the Covid-19 incidence has gone down,” banggit pa ni del Rosario.

Naiulat na bakunado na ang lahat ng health care workers ng PGH.

PNA