Winelcome nila Boobay at Tekla bilang Kapuso si 2013 Miss Universe 3rdrunner-up Ariella Arida sa recent guesting nito sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) ng GMA-7. Hindi lang former beauty queen si Ariella dahil isa na rin siyang ganap na aktres. Sa katunayan nagmarka noon ang kanyang pagiging kontrabida sa teleseryeng “The Killer Bride” ng ABS-CBN. Isang rebelasyon sa gaya niyang beauty queen at baguhan na makitaan ng galing sa pag-arte bagay na puwedeng makipagsabayan sa mga de kalidad na artista.

Dahil sa napapanahon ngayon ang beauty pageant natanong nila Boobay at Tekla si Ariella ang mga bagay ukol dito. Gaya ng kung ok lang ba sa kanya ang mga transgender na sumali sa isang pageant. Ani Ariella, “Kumbaga nandito na tayo sa generation na kailangan lahat tanggapin natin at talaga yan naman din ang pinaglalaban ng bawat isa sa atin.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

“So ako, I don’t mind them joining the pageant. So alam mo yun? Yun nga pero hindi naman natin control kasi ang bawat countries may sari-sariling rules sa pagsali ng pageant. So eto pa rin nakadepende sa local organization.”

Ano naman ang masasabi ni Ariella sa mga Pinoy na namba-bash sa mga kandidata na lumalaban internationally? Sey niya, “Totoo naman talagang masakit sa damdamin. Ako personal ko rin na-experience kumbaga lalung lalo na kapag lalaban ka na ng Miss Universe. Siyempre all eyes on the candidates ganyan.

“Pero ako naintidihan ko na hindi naman lahat ng namba-bash ay parang kumbaga na nagcri-critize talaga na kasi yung iba naman may mapupulutan kang aral may ganoon. Pero yung iba talaga namemersonal na. Diretso talaga na parang sana suportahan mo naman ako representative ako ng Philippines. So yun din ang gusto kong ipaalam din sa ating mga kapwa Pilipino lalung lalo na kung yung kandidata natin nanalo na tapos nandun na siya sa kompetisyon.

“Siguro ang maganda support yung kailangan mo kapag nandun ka na sa ibang bansa nagko-compete kana. Kasi hindi mo alam bigla ka baka ayun in the middle of your competition e doon ka mawalan ng lakas ng loob, doon ka mawalan ng kumpiyansa.”

Sa sinabing ito ni Ariella obvious na patungkol ito sa nangyaring laban ni Rabiya Mateo sa nakaraang Miss Universe 2020 na dinagsa ng Pinoy bashers. Yun na!