Hindi tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano nito para sa halalan sa 2022, sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 26, ayon sa Malacañang.

Sa isang pulong balitaan nitong Huwebes, binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque na malabong maisama sa talumpati ng Pangulo ang mga plano nito.

“Siguro po hindi mapapasama ang kanyang mga planong politikal.Ang importante is the roadmap for his last year in office,” aniya.

Sa darating na SONA aniya ay magbabalik-tanaw sa nakaraang limang taon ng pagka-pangulo ni Duterte at ang mahahalagang programa ng administrasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Ang magiging porma ng SONA niya ay titignan niya ang nakalipas na limang taong siya’y naging Presidente.Po-focus siya, siyempre, sa pag-unlad ng bayan, sa ating mga social programs, infrastructure, peace and security, foreign policy,” ayon kay Roque.

“Sasagutin niya ang tanong na ‘What and where are we now?’, and ‘Looking forward’ doon sa huling taon ng panunungkulan ng ating Presidente,” dagdag pa ni Roque.

Argyll Cyrus Geducos