Makakalaro na rin sa wakas sa 2021 Premier Volleyball League Open Conference ang Perlas Spikers.

Binigyan na ng go-signal ang koponan makaraang magnegatibo ang resulta ng lahat ng miyembro ng koponan sa COVID-19 test.

Dumating ang resulta ng kanilang pagsusuri noong Miyerkules ng gabi.

“The results came out already a while ago, they’re all negative,” pahayag ni league commissioner Tonyboy Liao.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaang ipina-hold noong Sabado ng pamunuan ng liga lahat ng laro ng Perlas matapos na ang isang staff ng team ay magpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, lahat ng iba pang miyembro ng team ay kinailangang i-quarantine at muling ipa-test pagkalipas ng limang araw.

Nakatakda sana silang lumaro sa ikalawang laban noong opening day kontra Cignal, gayunman, kinansela ito dahil sa usapin.

“They will start playing this Sunday,” ayon pa kay Liao.

Marivic Awitan